5 SUGATAN, 24 ARESTADO SA SHOOTOUT SA NUEVA ECIJA

KINAILANGAN magdagdag ng puwersa ang Northern Luzon Command na pinamumunuan ni Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., at local police  sa bayan ng General Tinio sa Nueva Ecija  kasunod ng nangyaring shootout na ikinasugat ng lima katao.

Ayon sa ulat na natanggap ni Lt. Gen. Torres mula kay MGen. Andrew D. Costelo, PA, commander ng 7th Infantry (KAUGNAY) Division, may 24 na katao ang dinakip kaugnay sa nangyaring shooting incident dakong alas-11:45 ng gabi noong Sabado,

Agad nagresponde ang mga tauhan ng 84th Infantry (VICTORIOUS) Battalion at  General Tinio Municipal Police Station na nagsasagawa ng  joint checkpoint operations hinggil sa reported shooting incident sa Purok Gulod, Brgy. Concepcion, General Tinio, Nueva Ecija.

Ayon kay MGen. Costelo sangkot umano sa shooting incident ang mga civilian security personnel ni Incumbent Mayor Isidro T. Pajarillaga ng General Tinio at Mayoralty Candidate Virgilio Bote.

Lima sa 24 na inaresto ay kailangang dalhin sa Nueva Ecija Medical Center para malapatan ng lunas, habang 23 baril naman mula sa grupo ng civilian security personnel, ang nasamsam.

Kabilang dito ang limang M16 rifles, 12 caliber .45 pistols, tatlong 9mm pistols, isang caliber .40 pistol, at dalawang 12-gauge shotguns.

Kasama sa nakumpiska ang 71 cal 5.56 live ammos, 138 cal .45 live ammos, 41 cal 9mm live ammos, 12 cal .40 live ammos, 8 shotgun live ammos, 6 magazines para sa  M16 rifle, 26 magazines para sa mga  pistol, 20 cellular phones at tatlong handheld radios.

 “We would like to thank the community for their cooperation to the authorities kasi kung hindi na i-report agad ang ganitong criminal activity ng mga involved na mga indibidwal, marahil naging mas madugo pa ang nangyaring insidente at ayaw natin mangyari ito. On the part of the Army, we do not tolerate the existence of private armed groups that will destroy the peace and order for tomorrow’s conduct of election,” ani MGen. Costelo. (JESSE KABEL)

182

Related posts

Leave a Comment