PINATIBAY ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang kanyang patuloy na pagdomina sa kanyang mga karibal sa darating na 2022 elections sa pamamagitan ng pagrehistro ng 56% voter preference sa pinakabagong pre-election survey ng PUBLiCUS Asia.
Halos isang buwan bago ang pambansang halalan sa Mayo 9, 2022, napipintong maging kauna-unahang majority president si Marcos sa ilalim ng isang multi-party na sistemang pampulitika.
Ang voter preference ni Marcos sa PAHAYAG 2022 First Quarter Survey ay nagpakita ng napakalaking 33 percentage points na agwat sa kanyang pinakamalapit na katunggali para sa pagkapangulo.
Ang independent at non-commissioned survey ay isinagawa ng isa sa mga pinaka-respetadong survey firms sa bansa, ang PUBLiCUS Asia, mula Marso 30, 2022 hanggang Abril 6, 2022 na nilahukan ng 1,500 respondents.
Malayong pangalawa pa rin kay Marcos si Leni Robredo na may 23% voter preference, at sinusundan ni Isko Moreno na may 9%, Sen. Panfilo Lacson na may 5%, at Sen. Manny Pacquiao na may 2%.
Ang resulta ng PAHAYAG survey ay nagpapahiwatig na lalong tumitibay ang suporta ng mga botanteng Pilipino sa kandidatura ni Marcos sa kabila ng sari-saring negatibong propaganda na pinupukol sa kanya.
Nagtala din si Marcos ng matataas na numero sa mga pangunahing lokasyon sa bansa; 45% sa National Capital Region (NCR), 57% sa North Central Luzon (NCL), 46% sa South Luzon (SL), 56% sa Visayas (VIS), at 71% sa Mindanao (MIN).
Kapansin-pansin din ang napakalaking kalamangan ni Marcos kay Robredo sa North Central Luzon, Visayas, at Mindanao na nananatiling higit sa 30%. Patunay lamang ito ng kanyang kabiguan na mahikayat ang mga botante sa kabila ng pahayag ng kanyang kampo na lumalakas ang suporta sa kanyang kandidatura.
Nakita rin sa nasabing survey na tanggap ng mas nakararaming Pilipino ang panawagan ng pagkakaisa ni Marcos lalo na sa mga kabilang sa economic classes D at E kung saan nakakuha siya ng 57% at 60% na voter preference.
Nang tanungin tungkol sa posibilidad na maabutan pa si Marcos ng kanyang mga karibal, sinabi ni PUBLiCUS Asia chief data scientist David Yap, Jr. na nagsagawa siya ng 10,000 Monte Carlo simulation upang tingnan ang posibilidad nito at lumalabas na si Marcos pa rin ang mananaig.
“I ran 10,000 Monte Carlo simulations based on existing survey data from PUBLiCUS, Pulse Asia, Laylo, and OCTA… These 10,000 simulations strongly suggest that Bongbong Marcos is expected to win in the upcoming elections,” sabi ni Dr. Yap.
Ayon sa isang depinisyon mula sa IBM, ang Monte Carlo Simulation, na kilala rin bilang multiple probability simulation, ay isang mathematical technique na ginagamit upang tantyahin ang mga posibleng resulta ng isang hindi tiyak na kaganapan.
Ang mga resulta ng survey ng PUBLiCUS Asia ay umaayon sa inilabas ng Pulse Asia kamakailan na nagpapakita matatag ang mga numero ni Marcos at napakahirap nang mahabol pa.
“Theoretically, kaya pero mahirap. But realistically mahirap. Hindi sinabing imposible,” sambit ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda nang mainterview ng media hinggil sa nasabing usapin.
Samar Rep. Ong:
Hindi kasalanang
suportahan si BBM
NANAWAGAN si Northern Samar second congressional district representative Cong. Jose ‘Jun’ Ong Jr. sa mga Samarnons na huwag matakot ipahayag ang kanilang pagsuporta para sa BBM-Sara UniTeam, lalo na kay presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ipinaliwanag ni Ong na hindi kasalanan na suportahan si Marcos at hindi dapat sila matakot at ilihim ang kanilang pagsuporta.
“‘Wag niyong itago na sinusuportahan ninyo si BBM, ‘wag kayong matakot na ipakita ito. Dapat maging proud kayo. It is not a sin to support BBM,” sabi ni Ong sa harap ng mga taga-suportang hindi ininda ang ulan sa naganap na rally ng UniTeam sa Catarman, Samar.
“Suportahan natin nang husto sina BBM para sigurado ang panalo nila dito sa Samar at sigurado ang panalo nila sa buong Pilipinas,” dagdag pa niya.
Kahit maputik dahil na rin sa sunod-sunod na pag-ulan, dinagsa pa din ng mga taga-suporta ng UniTeam ang malaking field sa harap ng University of Eastern Philippines Grandstand suot-suot ang kanilang pula at berdeng T-shirts.
Masaya silang sumasayaw at kumakanta habang pinapatugtog ang Bagong Lipunan at iba pang UniTeam jingle habang hinihintay si BBM.
Itinaas din ng mga taga-suporta ang kanilang mga tarpaulin na may nakasulat na “Pula ang boto” at “Pula ang tunay na kulay ng rosa.”
Hiyawan ang lahat nang i-anunsiyo ng emcee ang pagdating ng UniTeam.
Isang 19-year- old na supporter ang nag-aabang sa harap ng stage upang maibigay ang kanyang mga likha kay Marcos.
Ayon kay Mark Kian Domiquel, na galing Lavizares, Samar, ay ilang oras din niyang ginawa ang sketches ni BBM at Sara upang maibigay sa kanilang dalawa bilang pagpapakita ng kanyang buong-pusong suporta.
“Nung nalaman ko po na pupunta si BBM dito, naisip ko po na para maipakita ko ang malakas na suporta ko sa kanila, bago pa man ang araw ng botohan, gagawa ako ng mga sketches nila. Talagang buong pamilya po namin ay solid supporters nina BBM,” sabi ni Domiquel.
“Naniniwala kami na maganda ang kanilang plataporma kaya talagang mag-i-improve ang Pilipinas ‘pag naupo sila. Kahit anong ibato nila laban kay BBM, lagi pa ring lalamang ang kanyang ‘goodness’ at kagandahan ng paglilingkod niya sa tao kaysa sa mga paninira nila,” dagdag pa niya.
