ANIM katao na pawang nagtatago sa batas ang nadakip ng iba’t ibang istasyon ng pulisya sa ilalim ng Quezon City Police District (QCPD), sa bisa ng warrant of arrests, sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod.
Kinilala ni QCPD director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin ang station level top 7 most wanted person na nadakip ng Novaliches Police Station (PS 4) na si Emerson Manzon, 45-anyos, dahil sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.
Lima pang wanted person ang naaresto ng iba pang units ng QCPD, na kinilalang sina Rania Yusop, may kasong paglabag sa RA 10022 (Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995); Hersel Saynes, 16, frustrated homicide; Dante Kim Getigan, 40, rape; Chao-Tiao II New Yumol, 36, doctor, 7 counts ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012; at Eddie Belo, falsification of public documents. (JOEL O. AMONGO)
308 