UMABOT sa 60 pamilya o 180 indibidwal ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Interior 5, Barangay 218, Zone 20, Tondo, Manila noong Miyerkoles ng hapon.
Ayon sa ulat, nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng gusali na yari sa light materials, at pagmamay-ari ng isang Nancy Santiago at inuukupahan ni Anching Martinez.
Ayon kay Senior Supt. Bañaga, ang sunog ay tumagal ng hanggang alas-7:41 ng gabi at idineklarang 1st alarm ngunit umabot ng ikatlong alarma hanggang sa tuluyang naapula.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BJMP), tinatayang P750,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy habang nasugatan sa kaliwang paa ang isang residente na kinilalang si ” Celina”, 43-anyos. (RENE CRISOSTOMO)
89