(NI BETH JULIAN)
INIANUNSIYO na ni Pangulong Rodrigo Duterte na 64 na opisyal at kawani ng Bureau of Customs (BoC) ang kanyang sisibakin.
Sa katatapos na pagpupulong sa Malacanang, pinatawag na ng Pangulo ang mga opisyal at kawani g BoC.
Sa salita ng Pangulo, sinabi nito na hihingi siya ng tulong sa mga ipatatawag niyang opisyal at kawani ng BoC na gumawa ng implementing rules kung paano hindi makapagnanakaw sa gobyerno.
Ayon pa sa Pangulo, inihahanda na ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa 64 na kawani at opisyal ng BoC.
Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo ang Department of Transportation (DoTr) na madaliin na ang pagkumpleto sa $1.3 bilyon o P66.6 bilyon unang tranche. Malolos-Clark Railways Project na nilagdaan din ngayong Huwebes ni Finance Secretary Carlos Dominguez, Asian Development Bank Vice President Ahmed Saeed.
Ayon sa Pangulo, kailangang matapos ito para mapakinabangan ng maraming mga kababayan sa North South commuter railway project na naglalayong pagdugtungin ang New Clark City sa Calamba, Laguna pagsapit ng 2025.
