70M Pinoy pa hindi bakunado PINAS NGANGA SA HERD IMMUNITY

INAMIN ni Presidential spokesperson Harry Roque na malayo pa ang tatahakin ng bansa bago makamit ang herd immunity.

Ito’y dahil sa may 70 milyon pang mga Filipino ang kinakailangang bakunahan.

“At ang ating leksyon na natutunan sa mga nakalipas na limang taon, kapit-bisig, bayanihan, kakayanin natin ito,” ani Sec. Roque sa kanyang naging mensahe sa idinaos na 30 Million Jabs and Counting, An Update on the National Vaccination Rollout na isinagawa sa 3rd Level ng SM City sa San Mateo, Rizal.

Aniya, noong unang araw ng Marso nang magsimula ang bansa sa bakunahan ay wala aniyang makuhang bakuna dahil ang mayayamang bansa ay sinolo ang mga bakuna.

Pero nagsimula aniya ang Pilipinas sa isang milyon na binigay ng karatig bansa at kaibigan na Tsina.

Mula aniya noon ay mayroon nang 30 milyong Filipino ang nabakunahan.

“Mabilis ba ho itong 30 milyon na ating nakamit? Me magsasabing mabagal yan dahil limang buwan na. Tama po siguro yan pero ‘wag natin kalimutan eh meron talaga tayong problema sa mundo

ngayon dahil kung hahayaan natin na ang mga bakuna ay hawak lamang ng mayayamang bansa, tanging mayayaman lamang ang mabubuhay sa gitna ng pandemiya,” ani Sec. Roque.
Samantala, habang nagdiriwang aniya ang lahat sa tagumpay na 30 million vaccination ay sinisimulan din ang WeVax As One. (CHRISTIAN DALE)

216

Related posts

Leave a Comment