WALO katao ang nadakip habang tinatayang P530,000 ang kabuuang street value ng nakumpiskang hinihinalang marijuana at shabu sa magkasunod na anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III at Criminal Investigation and Detention Group sa lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga noong Martes ng gabi.
Ayon sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, unang sinalakay ang isang hinihinalang drug den sa Claveria Street sa Barangay Santa Trinidad kung saan nakuha ang iba’t ibang drug paraphernalia at mahigit sa 25 gramo ng hinihinalang shabu na P170,000 ang halaga.
Natimbog naman ang mga suspek na kinilalang sina Rodel Cayetano y Cano (drug den maintainer), 44; Andrew Salangsang y Caban, 18; Christopher Pangan y Basilio, 46; Ricardo Molina Jr. y Rivera, 31, at Raquel Molina y Rivera, 46 anyos.
Kasunod nito, nagkasa ng entrapment operation sa Brgy. Salupungan ng nasabing lungsod na nagresulta sa nakumpiskang tatlong bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang tatlong kilo ang bigat at hindi bababa sa P360,000 ang halaga.
Nadakip sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina Jonas Jay Bongal y Arañez, 21; Josepio Paras y Santos, 20, at Kiel Karl Batao Macapinlac, 23-anyos.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL)
421
