MAGPAPATUPAD ng curfew hours ang mga awtoridad sa Metro Manila bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan sa pagsupil sa nakamamatay na COVID-19 disease.
Base sa implementing guidelines na inilabas kahapon ng Malacañang, iiral ang curfew mula 8:00p.m. to 5:00 a.m. sa kalakhang Maynila sa loob ng isang buwang community quarantine period na magsisimula ngayon (Linggo), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Subalit nilinaw ni MMDA chief Jose Arturo Santillan Garcia Jr. na exempted dito ang mga manggagawa at mga personalidad na nasa essential services.
“Hindi naman po dadamputin ito. Pagsasabihan lang na nandito ang PNP na umuwi na kayo kung hindi importante ang lakad ninyo,” paliwanag pa ni Santillan.
Simula ngayon, March 15 hanggang Martes, April 14 ay paiiralin ng pamahalaan ang community quarantine para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nabatid pa na nagsimula na ring kumilos ang Philippine Coast Guard para bantayan ang mga pantalan at ipatupad ang no sea travel. JESSE KABEL
309 