85 PERCENT NG PINOY TAKOT SA COVID-19

WALO sa bawat sampung Filipino ang takot na mahawa ng coronavirus disease base sa pag-aaral ng Social Weather Station.

Base sa inilabas na pag-aaral ng SWS, aabot sa 85 percent ng mga Pinoy  ang nagsabi na sila ay kinakabahan sa posibilidad na masalinan o mahawa sa COVID-19.

Lumabas sa survey na 63 percent ng mga Pilipinong tinanong ang nagsasabing lubha silang natatakot na mahawa habang 22 percent naman ang nagsabing nababahala o  kinakabahan.

Siyam na bahagdan naman ng mga Pinoy sa nasabing survey ang nagpahayag na hindi gaanong nababahala at anim na porsiyento naman ang hindi talaga takot na mahawa sa COVID-19.

Pinakamataas na worry rate ang Luzon na 87 percent, sunod ang Visayas sa 84 percent, Metro Manila na tinuturing na epicenter ng COVID-19 ay 83 percent at Mindanao sa 80 percent.

Base sa DOH at IATF report, karamiham sa COVID-19 cases sa bansa ay naitala sa Metro Manila, pero ang worry rate sa rehiyon na ito ay bahagyang bumaba sa 83 percent ngayong buwan kung
ikukumpara sa resulta ng survey na isinagawa noong Mayo at Hulyo na 92 percent.

Ang inilabas na latest survey result ng SWS ay isinagawa noong Setyembre 17 hanggang 20 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviewing sa 1,249 adult Filipino respondents sa buong bansa. (JESSE KABEL)

183

Related posts

Leave a Comment