SIYAM na indibidwal, kabilang ang tatlong babae, ang binitbit ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District makaraang ilatag ang buy-bust operation sa Quiapo, Manila noong Sabado ng gabi.
Sa ipinaing P500 marked money, nabitag ang umano’y target ng operasyon na kinilalang sina Hector Muhammad y Sahiron, 44; Cesar Usman y Hajal, 36; Jessie Decomo, 43; Rogelio Villanueva, 50; Orlando Bugayong, 32; Rico Ocenar, 42; Snooky Dela Rosa, 39; Nedzma Pustahan, 28, at Girlie Utao, 34-anyos.
Base sa ulat ni P/Major Pidencio Sabillo, hepe ng SDET, na isinumite kay P/Lt. Col. John Guiagui, commander ng MPD-Station 3, bandang alas-7:00 ng gabi noong Sabado nang ilatag ang buy-bust operation sa panulukan ng Quezon Boulevard at Carlos Palanca St. sa Quiapo na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)
235 