6 RESPONSABLE SA MISSING SABUNGEROS HAWAK NA NG PNP

HAWAK na ng Philippine National police ang anim na itinuturong suspek sa pagkawala ng mga sabungero sa Manila Cockpit Arena noong Enero 2022.

Ang anim ay dinakip matapos ang dalawang buwang surveillance operation sa isang bahay sa Parañaque City na natunton na pinagtataguan umano ng mga kalalakihang sangkot sa pagkawala ng anim na sabungero

Ayon kay PNP Chief General Acorda Jr., sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng Manila RTC Branch 40, isinagawa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group ang inilatag na law enforcement operation laban sa mga suspek noong Biyernes ng hapon.

Iprinisinta ni Gen. Acorda ang mga nadakip na sina Julie Patindongan alyas “Dondon”; Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla na nahaharap sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Bukod sa anim na mga suspek, inaresto rin ang dalawa nilang kasamahan na kinilalang sina Melchor Neri at Victorino Jocosol dahil sa obstruction of justice. Habang inaalam din ng mga awtoridad kung sino ang tunay na may-ari ng bahay na pinaglunggaan ng mga suspek.

(JESSE KABEL RUIZ)

356

Related posts

Leave a Comment