RAPIDO ni PATRICK TULFO SA ilang taon naming pagtulong sa libu-libo nating mga kababayang OFWs at mga pamilya nila na nagkaroon ng problema sa naabandona nilang balikbayan boxes, may mga natutunan kami ukol dito. Una ay walang kasalanan ang Bureau of Customs (BOC) sa usapin dahil ang trabaho ng ahensya ay nakasentro lang sa pagproseso ng mga dumarating na mga kargamento mula sa ibang bansa upang siguraduhin na pawang balikbayan boxes lamang ang laman ng mga container at hindi ito nahaluan ng ipinagbabawal na mga bagay tulad ng droga. In…
Read MoreDay: July 16, 2026
Maynila, nasungkit ang World Award!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI araw-araw na ang isang lungsod sa Pilipinas ay kinikilala sa pandaigdigang entablado. Kaya naman ang pagkakapanalo ng Lungsod ng Maynila ng Special Achievement in GIS Award mula sa Esri ay isang tagumpay na hindi lamang para sa City Hall kundi para sa buong bansa. Sa mahigit 700,000 organisasyon sa buong mundo na gumagamit ng Esri technology, 197 lamang ang kinilala ngayong taon. Ang mas kahanga-hanga, ang Maynila lamang ang nag-iisang awardee mula sa Pilipinas. Hindi ito simpleng tropeo o plake na isasabit sa…
Read MoreFlow of blessings
HOPE ni GUILLER VALENCIA ISIPIN natin ang ating sarili bilang isang ilog o batis (river) imbes na isang sisidlan ng tubig (reservoir). Maraming tao ang nagiging reservoir, ginagawa ito bilang bahagi na rin ng kanilang paglago o personal growth upang magdagdag ng halaga sa kanilang sarili. Katulad nila ang sisidlan ng tubig na tanggap lang nang tanggap para mapuno ang sarili. In contrast, ang ilog ay patuloy na dumadaloy o umaagos. Sabi nga, whatever water it receives, it gives away. Dapat ay maging ganoon tayo para sa pag-aaral at sa…
Read MorePROSECUTORS SUMAILALIM SA REFRESHER TRAINING NG DOJ
SUMALANG sa refresher training ang 29 prosecutors mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para maging mas bihasa pa sa paghawak ng mga kasong kriminal. Inilunsad ng Department of Justice-National Prosecution Service (DOJ-NPS) ang apat na araw na Prosecutors’ Review Course noong Hulyo 14. Layunin ng pagsasanay na mas mapalalim ang kaalaman ng mga prosecutor sa tamang paghawak ng kaso, pagpili ng tamang kasong isasampa at tamang parusa sa mga lumalabag sa batas. May mga online lecture, talakayan at pagsasanay gamit ang iba’t ibang sitwasyon na maaari nilang maranasan sa…
Read More3 SA 4 SUSPEK SA MARINE BIOLOGIST KILLING, ARESTADO
ARESTADO ang tatlo sa apat na mga suspek sa pagpaslang sa American marine biologist na si Kent Carpenter sa Negros Oriental. Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information chief, PCol. Allen Rae Co, naaresto ang mga suspek noong Miyerkoles ng gabi sa Sibulan, Negros Occidental. Kabilang sa mga inaresto ay sina alyas “MO” na siyang gunman, “JF” na gumahasa umano sa kasintahan ni Carpenter, at “CD” na look-out sa krimen. Pinaghahanap pa ng mga awtoridad ang isa pa sa mga suspek na hindi pa batid…
Read MoreHIGIT 3K PULIS IPAKAKALAT NG PNP PARA SA BARMM ELECTION
MAGPAPAKALAT ng kabuuang 3,316 mga tauhan ng Philippine National Police para sa seguridad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao parliamentary election. Sinabi ni PNP Public Information Office chief, PCol. Allen Rae Co, nakapag-send off ceremony na ang mga pulis sa Parang, Maguindanao del Norte at ngayon ay nakakalat na. Magpapatupad din ng gun ban bilang bahagi ng seguridad na nagsimula nitong ng Huwebes, Hulyo 16, kasabay ng election period. Magtatagal naman ang gun ban hanggang Setyembre 29, 2026. Bago nito, una nang natukoy ng PNP ang ilang lugar bilang…
Read MoreAFP AT BOC, NAGKASUNDO SA PAGPAPALAKAS NG BORDER SECURITY KONTRA SMUGGLING
Nagkasundo ang Bureau of Customs (BOC) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na palakasin ang border security ng bansa matapos lagdaan ang isang Memorandum of Understanding (MOU) na naglalayong paigtingin ang seguridad sa mga hangganan at labanan ang smuggling. Pormal na nilagdaan ang kasunduan nina BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno at AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Kabilang sa mga pangunahing probisyon ng kasunduan ang pagbuo ng Joint Coordination Committee (JCC) na magsisilbing pangunahing policy at oversight body para sa…
Read MoreRENEWAL NG PRANGKISA NG TNVS MAS MABILIS NA SA ATOC
MAS pinadali pa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang proseso ng pagre-renew ng prangkisa ng mga sasakyang ginagamit sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) sa ilalim ng Authority to Operate Certificate (ATOC), kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na gawing mas mabilis at maginhawa ang mga transaksyon sa gobyerno. Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, layunin ng hakbang na palakasin ang implementasyon ng Memorandum Circular No. 2026-049 na nagbibigay ng mas mahabang bisa sa Certificates of Public Convenience (CPCs) ng…
Read MoreVILLAR, ITINUTULAK MAS LIGTAS NA MGA PAARALAN SA PAMAMAGITAN NG LIGTAS ACT
ISINUSULONG ni Senador Mark Villar ang mas mahigpit na seguridad at mas handang emergency response sa mga paaralan sa pamamagitan ng Senate Bill No. 2321 o ang Learning Institution’s Guaranteed Threat Avoidance and Safety Act (LIGTAS Act). Ito ay kasunod ng mga insidente ng karahasan na kinasasangkutan ng mga estudyante at school personnel sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kabilang sa mga insidenteng binanggit ng senador ang pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City at magkahiwalay na pananaksak sa Cavite at Las Piñas. “Masakit na paalala ang…
Read More