PUMALAG ang lungsod ng Taguig sa pagpapakalat umano ng mga maling impormasyon ng Makati City at ang pagtalikod nito sa naunang kasunduan kaugnay ng turnover ng mga health facility ng 10 EMBO barangays.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig, nilabag ng Makati City ang kanilang kasunduan kasama ang Department of Health (DOH).
Ayon sa Taguig City, base sa kasunduan ay hindi na muna babanggitin ang pagmamay-ari ng mga pasilidad at lupa habang isinasagawa ang “transition period.” Ngunit, kamakailan ay muli umanong nagpahayag ang Makati City LGU na sila ang may-ari ng mga pasilidad pangkalusugan gayundin ang lupa na kinatitirikan ng mga ito sa mga nasabing barangay.
Mistulang pinasakay lang umano ng Makati ang Taguig at DOH dahil wala talaga itong planong makipagnegosasyon.
“In making its ownership claim non-negotiable, when the agreement with the DOH was to temporarily shelve the issue, Makati acts in utter bad faith and with reckless disregard to the welfare of their former residents.
It is sad that, having lost the votes of the residents of the 10 barangays, Makati officials feel no moral scruples in abandoning them. Indeed, if Makati was sincere, it should have already rejected the DOH’s plea that the issue of ownership should be set aside at this point of the transition.
Makati took DOH and Taguig for a ride as Makati had no intention all along to negotiate unless Taguig yields first to Makati’s baseless claim of ownership,” ayon sa Taguig.
Nilinaw rin nito na hindi tinanggihan ni Mayor Lani Cayetano ang anomang panukala ng Makati kundi ipinaubaya na nito kay Health Sec. Ted Herbosa ang diskusyon ukol sa Ospital ng Makati.
“These kinds of deceptive and manipulative behavior from public officials weaken public trust and must not be tolerated. We ask all responsible members of the media to scrutinize and dig deeper into any self-serving propaganda it receives from all parties.
To be clear, Taguig has far superior legal claim to the ownership of the land and the improvements thereon. Makati has no title to the lots, and indeed has not shown the public the titles that should support its claim,” dagdag pa ng Taguig.
Nangangamba ang Taguig na hindi layon ng Makati LGU na alisin ang mga hadlang para sa transisyon kundi magsilbing hadlang.
Naninindigan din ang Taguig na sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng Makati, prayoridad pa rin nila ang pagbibigay ng serbisyo sa “EMBO” barangays at ang pagkilos nang ayon sa batas.
(DANNY BACOLOD)
243