PHILIPPINE ARMY: HUWAG TAWAGING ‘NATIONAL GUARD’ ANG CAFGU

UMAPELA ang Philippine Army sa media at publiko na huwag gamitin ang terminong “National Guard” kapag tinutukoy ang mga miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit Active Auxiliary (CAFGU-CAA).

Ayon kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, wala pang batas o opisyal na polisiya na kumikilala sa naturang katawagan.

“We respectfully request that the term ‘National Guard’ not be used when referring to members of the CAFGU Active Auxiliary,” ani Dema-ala.

Bagama’t may isinagawang pilot testing sa konsepto, sinabi niyang wala pa itong pinal na legal framework.

Aniya, maaaring magdulot ng kalituhan sa mandato at organisasyon ng CAFGU ang paggamit ng naturang termino.

(JESSE RUIZ)

111

Related posts

Leave a Comment