DoLE NAGLABAS NG RULES SA WORK-FROM-HOME SCHEME

DOLE12

(NI MINA DIAZ)

INILABAS na ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang implementing rules and regulations (IRR) ng  Republic Act 11165 o ang Telecommunicating Act, na pinapayagan ang mga empleyado sa pribadong sektor na magtrabaho sa alternatibong lugar.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, nakasaad sa ilalim ng mga patakaran na ang isang opsyon sa pamamahala ng karapatan o collective bargaining ay maaring gamitin upang ipatupad ang  work scheme.

Kabilang dito ang tamang pagbabayad at ang minimum na oras na pagtatrabaho, overtime pay at karapatan sa leave benefit, social welfare at seguridad sa trabaho.

Ang nasabing batas ay dapat magkaroon ng kasunduan sa mga employers at empleyado at sundin ang work-from-home scheme.

Ang mga kompanya na nagpapatupad ng pag-aayos ng telecommuting ay dapat mag-abiso sa pinakamalapit na tanggapan ng DoLE o tanggapan sa probinsiya.

Ang mga patakaran ay magkakabisa 15-araw pagkatapos na mailathala sa isang pahayagan ng pangkalahatang sirkulasyon at pag-post sa website ng DoLE.

Unang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas noong Disyembre 2018.

 

 

181

Related posts

Leave a Comment