LUCENA CITY – Natimbog ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang high value individual (HVI) sa drug watchlist, sa ikinasang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Isabang sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi.
Hindi nakapalag ang suspek na si Frederick Apuya nang damputin ng mga operatiba ng Quezon PNP Provincial Drug Enforcement Unit at ng mga tauhan ng Lucena police station sa isinagawang buy-bust operation pasado alas-9:00 ng gabi.
Nakumpiska mula sa suspek ang siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 75 grams at may Dangerous Drug Board (DDV) value na P510,000 at street value na P1,530,000.
Nakakulong na ang suspek sa Lucena City lock-up cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(NILOU DEL CARMEN)
428