TULAK NABUSLO SA 340 GRAMO NG DAMO

SWAK sa selda ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District- Raxabago Police Station sa panulukan ng Herbosa at Lacson Streets, Tondo, Manila.

Ayon sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas kay MPD Director, Police Colonel Arnold Thomas Ibay, bandang alas-1:30 ng madaling araw, nagkasa ang mga tauhan ng SDEU ng buy-bust operation sa Barangay 109 sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga.

Inaresto ang suspek sa operasyon ng SDEU sa pangunguna ni Police Lieutenant Jomar De Belen.

Nakumpiska mula sa suspek ang 340 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang P40,800 ang street value.

Ang suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

208

Related posts

Leave a Comment