UNDOCUMENTED OFWs SA CYPRUS DUMARAMI?

cyprus21

(NI BERNARD TAGUINOD)

INALARMA ng isang  mambabatas sa Kamara ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DoLE) hinggil sa umano’y pagdami ng mga undocumented overseas Filipino workers (OFWs) sa Cyprus.

Nitong mga nakaraang mga araw ay natagpuan ang bangkay ng dalawang Filipina sa Cyprus na pinatay umano ng isang serial killer sa nasabing bansa matapos ang halos isang taong pagkawala ng mga ito.

Ayon sa miyembro ng House minority bloc na si Rep. Aniceto Bertiz III, mayroon silang natanggap na mga ulat na dumarami umano ang mga OFWs na walang dokumentong nagtatrabaho sa nasabing bansa.

“We also want both the DFA and the DoLE to investigate the reported increase in the number of undocumented Filipino workers in Cyprus, which has made it difficult for us to monitor them for purposes of ensuring their safety and protection,” ani Bertiz.

Hindi nagbigay ng karagdagang impormasyon ang kongresista, tulad ng kung ilang OFWs na walang sapat na dokumento na nagtatrabaho sa nasabing bansa at kung anong trabaho ng mga ito.

Maliban sa ang sinasahod umano ng mga Filipino household service workers sa Cyprus ay 400 Euros o katumbas ng  P23,000 kada buwan.

ISA PANG OFW SA CYPRUS NAWAWALA

Iginiit din ng mambabatas sa DFA at DoLE na gawin ang lahat upang mahanap ang isa pa umanong Filipina na nawawala sa nasabing bansa.

Kamakailan ay narekober ang bangkay ng dalawang Pinay na sina Mary Rose Tiburcio, 38, at Arian Palanas Lozano, 28, matapos ang halos isang taong pagkawala kasabay ng pag-aresto sa pumatay sa mga ito na isang 25-anyos na military professional at may ranggong Captain sa Cyprus National Guard.

Nananatiling nawawala umano ang anim na taong gulang na anak na babae ni Tiburcio. Unang nai-report na nawawala ang mag-ina noong Mayo 2018 habang biglang naglaho naman si Lozano noong Hulyo 2018.

“A third Filipino woman, 30-year-old Maricar Valdez Arquiola, has been missing since December 2017,” ani Bertiz kaya dapat aniyang gawin lahat ng gobyerno ang paraan para matagpuan ito sa lalong madaling panahon.

 

336

Related posts

Leave a Comment