SIM CARD LAW PINAGLALARUAN NG SINDIKATO

PINAGLALARUAN, hindi lamang ng mga Filipino syndicate, kundi ng mga dayuhan ang Republic Act (RA) 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act.

Ito ang dahilan kaya iginiit ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na amyendahan ang nasabing batas na magdadalawang taon pa lamang sa September 13, kung nais ng gobyerno maitigil ang scamming gamit ang sim card.

“Despite the passage of the SIM Registration Act (under Republic Act 11934) mandating the registration of SIM cards, whether prepaid or postpaid, crime groups or individuals, local and foreign, have managed,” ani Barbers.

Isang malinaw na patunay aniya dito ang nakumpiskang libu-libong sim card sa mga sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na ginagamit sa kanilang online scamming schemes.

Bukod sa mga nakumpiskang mga sim card ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ay meron pa umanong SIM card na nagkakahalaga ng P50,000 ang hindi pa nagagamit nang salakayin ng mga ito ang mga POGO facilities sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga.

Sinabi ng mambabatas na kaya ginawa ang nasabing batas noong Setyembre 13, 2022 ay upang matigil ang pang-iscam subalit sa kabila nito ay patuloy ang panloloko ng mga scammers gamit ng SIM card. (BERNARD TAGUINOD)

216

Related posts

Leave a Comment