YOSI BAN SA QC CEMETERIES

IPAGBABAWAL ng Quezon City Police District (QCPD) ang paninigarilyo at vaping sa tatlong pampublikong sementeryo sa Quezon City.

Binalaan ni QCPD Director Melecio Buslig Jr. ang mga bibisita sa kanilang mga mahal sa buhay sa All Saints at All Souls Days ngayong weekend.

Sinabi ni Buslig sa Quezon City Journalists’ Forum, (QC JI), ipinagbabawal din ang mga inuming may alkohol gayundin ang matutulis na bagay.

Magde-deploy rin aniya sila ng mahigit 4,000 tauhan upang bantayan hindi lang ang mga sementeryo at columbarium, kundi maging bus terminals, malls at parke, at maglalagay ng humigit-kumulang 70 desks.

Gagamitin din aniya ang mga drone team na may high-tech na kagamitan at may kapasidad sa night vision.

Samantala, sinabi ni Dexter Cardenas, QC Traffic and Transport Management Department Head na isasara sa trapiko ang mga road fronting cemetery tulad ng Manila Cemetery na may pasukan din sa boundary ng QC. Isa pang rerouting ang isasagawa sa pribadong Holy Cross Cemetery. (PAOLO SANTOS)

253

Related posts

Leave a Comment