RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGSIMULA na nga noong Lunes (July 6, 2026) ang pagdinig sa isinampang impeachment complaint kay VP Sara Duterte. Sa unang pagdinig ay hindi dumalo ang bise presidente bagkus ang humarap dito ay ang kanyang mga abogado. Pinagbotohan din kung sino ang magiging presiding officer sa pagdinig kung saan naiboto si Sen. Chiz Escudero na mariing kinondena ng mayorya. Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, dapat ay ang Senate president ang tatayong presiding officer at hindi kailangang pagbotohan. Ganito rin ang sinabi ng kanyang kapatid na si…
Read MoreDay: July 7, 2026
CUSTOMS REWARD, ASAN NA?
ON THE LEVEL ni JUNEX DORONIO SA Bureau of Customs (BOC), mabilis ang parusa—pero pag gantimpala na, biglang urong-sulong. ‘Yan ang mapait na katotohanan sa ilalim ng Republic Act 9335 o “Lateral Attrition Law.” Dapat balanse: parusa sa pumapalya, reward sa lumalagpas. Pero sa aktuwal? Parusa lang ang siguradong dumarating.Kapag kulang ka sa target kahit 3 porsiyento—tanggal ka agad sa pwesto. Kapag mas malala, demotion. Kapag lagpas 10 porsiyento ang sablay—sibak. Walang delay. Walang palusot. Pero ‘pag reward? Tahimik. Mabagal. Paasa. Noong 2018, nangako ang BOC na may milyun-milyong incentive…
Read MoreMALASAKIT AT SERBISYONG HATID NI MAYOR SUSAN YAP SA TARLAC CITY
TARGET ni KA REX CAYANONG ANG tunay na sukatan ng isang mahusay na pinuno ay hindi lamang ang dami ng proyektong naipatatayo, kundi ang lawak ng malasakit na naipararamdam sa kanyang mga nasasakupan. Sa Tarlac City, patuloy na ipinakikita ni Mayor Susan Yap na ang pamumuno ay higit pa sa panunungkulan. Sabi nga, ito ay taos-pusong paglilingkod sa bawat mamamayan, lalo na sa mga higit na nangangailangan. Isa sa mga patunay nito ang patuloy na pagbibigay ng Special Medical Assistance sa mga Tarlaqueñong dumaranas ng matinding pagsubok dahil sa karamdaman.…
Read MoreKrisis sa tubig tumitindi STATE OF CALAMITY SA REAL, QUEZON PINAG-AARALAN
PINAG-AARALAN ng Lokal na Pamahalaan ng Real, Quezon ang pagdedeklara ng state of calamity habang lalo pang lumalala ang kakulangan sa suplay ng tubig na dulot ng matinding tagtuyot at epekto ng El Niño. Bumuo na ang LGU ng Water Crisis Task Force upang pangunahan ang agarang pagtugon sa sitwasyon, kabilang ang water rationing, paglalagay ng water pumps, pagbili ng karagdagang water tanks, at deep well drilling bilang pansamantala at pangmatagalang solusyon. (NILOU DEL CARMEN) 297
Read MoreESTUDYANTENG NAGLIGTAS SA 2 BATANG NALUNOD, PINARANGALAN DIN NG QUEZON LGU
PATULOY ang natatanggap na pagkilala at parangal ng dating Marine Transportation student na si Von Raven Untalan na kamakailan ay nakapagligtas ng dalawang batang nalunod sa isang beach resort sa Catanauan, Quezon. Matapos siyang pagkalooban ng full scholarship at iba pang benepisyo ng Inter Global College Foundation Inc., (IGCFI), ginawaran naman siya ng pagkilala at gantimpalang cash money ng lokal na pamahalaan ng Catanauan bilang pagpupugay sa kanyang ipinakitang kabayanihan. Kinilala si Untalan sa pamamagitan ng isang resolusyon ng Sangguniang Bayan bilang pagkilala sa kanyang mabilis na pagresponde at tamang…
Read MoreMula Oktubre 2025 NASA 1,100 DRIVER’S LICENSE BINAWI O SINUSPINDE NG LTO
AABOT sa 1,108 driver’s license ang binawi o sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) mula Oktubre 2025 bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga lumalabag sa batas-trapiko at naglalagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko. Ayon sa LTO, sa kabuuang bilang ay 618 lisensya ang binawi habang 490 naman ang sinuspinde simula nang maupo si LTO Chief Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II at sa kasalukuyang administrasyon ni Assistant Secretary Greg G. Pua-Lacanilao. Batay sa datos ng Intelligence and Investigation Division ng ahensya, 102 motorista ang pinatawan ng…
Read MoreAFP INIULAT KAY PBBM CAMPAIGN PLAN AT OPERATIONAL ACCOMPLISHMENTS
INIULAT ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang campaign plan at operational accomplishments ng militar sa ginanap na 1st Semester CY 2026 AFP Command Conference sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Sa command conference, iniharap ng AFP sa Pangulo ang pagsusuri sa naging progreso ng kanilang mga operasyon, programa at plano para sa seguridad ng bansa. Nagbigay rin ng briefing ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas kay Pangulong Marcos, na siya ring Commander-in-Chief, hinggil sa mga pangunahing tagumpay ng militar sa unang kalahati ng taon…
Read MoreMALACAÑANG WALANG ISINAMPANG REKLAMO SA MGA ‘BASTOS’ NA FILIPINO PROTESTERS SA CANADA
WALANG isinampang reklamo ang pamahalaan laban sa mga Filipino protester na umano’y nang-harass kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa panahon ng opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Canada. Sinabi ni Castro na iginagalang ng pamahalaan ang karapatan ng mga protester sa malayang pagpapahayag kaya’t hindi na ito nagsampa ng kaso. “Wala kaming finile na complaint,” ani Castro sa isang panayam. Inamin niyang nagulat siya sa asal ng ilang protesters ngunit pinili na lamang niyang ipagwalang-bahala ang insidente. Ayon kay Castro,…
Read MorePRIDE PARADE AT BB. BAHAGHARI, IDINAOS SA LAS PIÑAS
BAGAMA’T lumipas na ang Pride Month noong Hunyo, ipinagdiwang pa rin ng Villar Foundation ang diwa ng pagmamahal, paggalang, pagkakapantay-pantay at pagtanggap sa pamamagitan ng PRIDE Parade at taunang Bb. Bahaghari Awards sa Las Piñas. Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa 20 barangay ng Las Piñas ang programa na ginanap noong Hulyo 4 sa Villar Foundation Complex. Pinangunahan nina Villar Foundation Managing Director at dating Senadora Cynthia Villar at Senador Mark Villar ang paggawad ng parangal sa mga natatanging miyembro ng LGBTQIA+ community ng Las Piñas bilang pagkilala sa kanilang…
Read More