(JOEL O. AMONGO)
PINURI ng chair ng House committee on labor and employment ang isang bagong loan program ng Land Bank of the Philippines (LBP) para sa mga pensioner at mga manggagawa ng gobyerno na makatutulong sa oras ng kanilang kagipitan.
“Maganda po ang bagong loan program na ito upang may legal na malalapitan ang ating mga kawani ng pamahalaan at pensyonado sa halip na lumapit sa mga nagpapa-5-6,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles.
Kamakailan ay inilunsad ng LANDBANK ang tinawag nilang PeER (Pension and Emergency Relief) Loan Facility, kung saan ay nagpapalawak sa loans mula sa pagitan ng P20,000 hanggang P100,000 na may interest rate na 10 percent kada taon.
Ayon sa LANDBANK, ang layunin ng PeER Loan Facility ay naglalayong mag-alok ng madaliang tulong pinansyal sa mga pensyonado at mga empleyado ng gobyerno.
Funds from the loan can be used for emergency expenses, medical needs, and other urgent financial requirements.
Ang pasilidad ay nag-aalok ng dalawang loan options: ang pension loan ay nag-aalok sa mga kuwalipikadong kliyente ng LandBank pension accounts at Emergency Relief Loan, para sa regular government employees na may LandBank payroll accounts at nakaisang taon na sa serbisyo.
Binanggit pa ng mambabatas na marami sa mga manggagawa sa gobyerno, kasama na ang mga guro, ang nababaon sa utang dahil sa mga loan.
“Bukod sa napakataas na interes, may panghihiya pang ginagawa ang mga lender na ito dahil nagpapadala sila ng text sa mga kakilala ng pinautang nila para maningil,” pahayag pa ng batang mambabatas.
Dahil sa loan facility na ito, umaasa si Nograles na mas kaunti na sa mga pensyonado at empleyado ng gobyerno ang mabibiktima ng mga mapang-abusong nagpapautang.
11