NAG-JOIN na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kampanya ng gobyerno laban sa paglaganap ng pekeng identification cards (IDs) ng persons with disabilities (PWDs) sa pamamagitan ng paglikha ng isang ‘unified ID system’ na maaaring gamitin ng business establishments para sa real-time updating at ID verification.
Ang paggamit ng unified ID system na gagamitan ng web-based portal ay kabilang sa mga resolusyon na tinalakay sa roundtable discussion kasama ang mga stakeholder na pinangunahan ni Secretary Rex Gatchalian sa DSWD Central Office sa Quezon City noong Disyembre 11.
“The creation of a unified ID system which will employ a web-based portal will be launched the soonest,” ang sinabi ni Gatchalian.
Habang nasa proseso ng paglikha ng sistema, hinikayat ni Gatchalian ang publiko na ireport ang mga insidente na may kinalaman sa pagbebenta ng pekeng PWD IDs sa National Council on Disability Affairs (NCDA), isang attached agency ng DSWD, sa pamamagitan ng council@ncda.gov.ph, sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO), o anomang law enforcement agency.
Sa kabilang dako, naglunsad naman ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng malawakang paglansag laban sa pagbebenta at paggamit ng pekeng disability IDs dahil na rin sa umabot na sa P88 billion ang revenue losses mula sa klase ng tax evasion scheme.
Sa ilalim ng batas, kabilang sa benepisyo ng PWDs ay ang 20% discount at exemption mula sa value-added tax (VAT) sa ilang ‘goods at services.’ (CHRISTIAN DALE)
10