QUEZON – Mahigit P3.3 milyong halaga ng mga alahas at relo ang natangay ng mga kawatan mula sa bahay ng isang negosyante sa Brgy. Bulakin, sa bayan ng Tiaong sa lalawigan noong Linggo ng umaga.
Nadiskubre ang insidente ng pagnanakaw bandang bandang alas-6:00 ng umaga, matapos makita ng biktimang si Ramon Gomez Talusan, 69-anyos, retiradong empleyado at residente ng Paseo Acacia, Hacienda Escudero, Phase 1, na nasa labas na ng kanilang bahay ang kanyang shoulder bag at backpack na dati ay nakalagay sa loob ng kanyang bahay.
Ayon sa imbestigasyon, dumaan ang hindi pa nakikilalang mga suspek sa nakabukas na maliit na bintana sa likod ng bahay.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng Tiaong Municipal Police Station at nangangalap ng mga kuha ng CCTV footage para matukoy ang mga suspek. (NILOU DEL CARMEN)
