(NI BERNARD TAGUINOD)
LABING-SIYAM na baguhang party-list ogranizations ang pumasok sa top 50 partido sa pangunguna ng Ang Probinsyano.
Bagama’t ang ACT-CIS ang nakakuha ng may pinakamalaking botong 2, 537, 334 ay nagbabalik Kongreso lamang ang mga ito dahil noong 16th Congress ay kinatawan ito ni dating Rep. Samuel Pagdilao at natalo noong 2016 election.
Nasa ikalimang puwesto ang “Ang Probinsyano” na inendorso ng actor na si Coco Martin sa 738,885 na sinundan ng Marino, Probinsyano Ako, Magsasaka, Philreca, Ako Bisaya at Tingog.
Pumasok sa top-50 ang baguhan din na Youth Duterte, Recoboda, CWS, BHW, Bahay, GP, Anakalusugan, RAM, Ako Padayon, Patrol, TGP, Dumper PTDA, at Akma PTM.
Pumasok naman sa top-50 ang mga datihan na kinabibilangan ng Bayan Muna, Ako Bicol, CIBAC, 1Pacman, Senior Citizens, APEC, Gabriela, Anwaray, Coop-Natcco, Abono, Buhay, ACT Teachers, Kailingan, PBA, Alona, BH, Abang Lingkod, A Teacher, TUCP, Sagip, Manila Teachers, Magdalo, AAMBIS-OWA, LPGMA, AGAP, DIWA, Kabayan, Kabataan at Kusug-Tausug.
MOCHA USON MALABO
Mistulang lumalabo naman ang tsansa ni dating Communication Undersecretary Mocha Uson na maging miyembro ng 18th Congress dahil ang kaniyang party-list organization na AA-Kasosyo party ay nasa ika-74 pa rin sa botong sa nakuhang 110,754 boto.
Delikado ring hindi makapasok para magkaroon muli ng kinatawan sa Kongreso ang mga incumbent party-list organization na kinabibilangan ng 1-edukasyon, 1-Care, Aangat-tayo, ABS, ACTS-OFW, Agap, Akbayan, AMIN, Ang Kabuhayan, Angkla, Butil, MATA, SBP, at Yacap at Anakpawis dahil nasa labas pa ang mga ito sa top-50 na nangunguna sa party-list election.
Sa ngayon ay may 46 party-list group ang umokupa sa 60 party-list seats na inilaan sa mga marginalized sector sa pangunguna ng AKO Bicol na may tatlong kinatawan.
159