SISIKAPIN ng Armed Forces of the Philippine katuwang ang Philippine National Police, na mabuwag ang hinihinalang private armed groups o mga bayarang goons na minamantine ng ilang mga politiko or warlords bago ang gaganaping Midterm National election at Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary election.
Nabatid na hiniling ng Commission on Election sa PNP at AFP na malansag ang hinihinalang PAGs, hanggang Marso 31, 2025
“Well, sisikapin po natin na ma-meet yung deadline. Of course, kailangan po ng cooperation ng ating mga kababayan dito in terms of giving us the information, the reports, kung nasaan po ‘yung mga PAGS, kung sino po itong mga ito,” ani AFP chief of Staff General Romeo Brawner ng kapanayamin sa Camp Crame.
Dumalo si Gen. Brawner sa paglulunsad ng 100 Days Operational Activities and Solidarity Pact signing para 2025 NLE at BARMM Parliamentary Election.
Ayon kay Brawner, mahalaga ang tulong ng mamamayan sa pagtukoy sa mga hinihinalang bayarang goons at higit sa lahat ang kooperasyon ng mga kandidato na huwang mag-alaga o magmentina ng PAGs. “And of course, the cooperation also of ‘yung mga kandidato na huwag po sila magkupkop ng mga private actors,” ani Brawner.
“Well ‘yung ginawa po natin ngayong araw na ito is pumirma tayo dun sa solidarity pledge at nangako po tayo that as an organization the AFP will assist in making sure that the 2025 midterm election, national midterm elections, and BARMM elections ay magiging peaceful and secure. ‘Yun po ‘yung sa panig ng AFP.
Inihayag ng heneral na halos lahat ng areas ay magde-deploy ang Armed Forces of the Philippines ng kanilang pwersa para ma-augment ang naka-deploy na MGA tauhan ng PNP.
“We are deputized by COMELEC to assist in the national elections. Ang mga nandun po sa frontlines ay ‘yung mga pulis natin pero ‘yung Armed Forces of the Philippines ay tutulung po in terms of making sure that our polling centers are secure at tutulong rin po tayo dun sa pagpuksa ng mga PAGs na tinatawag natin, ‘yung private armed groups ano.”
Samantala, bunsod ng naganap na pananambang sa mga tauhan ng Philippine Army sa Basilan ay pinag-aaralan umano ng hukbo kung kailangan bang magdagdag ng puwersa.
“In fact, magtatanggal sana kami ng unit dun but because of what happened, hindi muna kami magtatanggal. So mananatili muna ‘yung mga units namin sa Basilan and pinag-aaralan na rin namin dahil nga na-delay ‘yung Bangsamoro elections, ‘yung BARMM elections, pinag-aaralan namin kung paano namin i-deploy ‘yung ating mga tropa,” dagdag pa ng opisyal. (JESSE KABEL RUIZ)
![](https://saksingayon.com/wp-content/plugins/dp-post-views/images/eyes.png)