IMPEACHMENT VS VP SARA PINAHAHARANG SA SC

(JULIET PACOT)

INAKYAT sa Korte Suprema ng ilang pro-Duterte lawyers ang kanilang pagkwestyon sa proseso ng impeachment na nagmula sa reklamong inihain sa House of Representatives laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio.

Tinukoy sa ilang pahinang petition for certiorari and prohibition na isinampa ng Mindanawon lawyers na may pagkakamali sa pagsisimula ng impeachment matapos masilip ang procedural errors, Constitutional infirmity at jurisdictional void.

Ang mga nagsumite ng petisyon ay kinabibilangan nina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty. James Reserva, Atty. Hillary Olga Reserva at iba pa.

Kinuwestyon ng petitioners ang proseso ng paghahain ng reklamo na hindi dumaan sa beripikasyon.

Hiling nila sa Supreme Court na pigilan ang Senado na aktuhan ang umano’y depektibong impeachment complaint na ipinadedeklara nila na walang bisa.

Magugunitang ganado ang isang mambabatas sa 11 House prosecutors sa kinalabasan ng ilang survey na naniniwalang mapatutunayan ang pagkakasala ni Sara kapag nagsimula na ang impeachment trial sa Senado.

30

Related posts

Leave a Comment