KASABAY ng matinding ulan na naranasan sa paglilibot sa ilang palengke sa Nueva Ecija, gayun naman ang ngiti at init ng pagtanggap na sumalubong sa AKO-OFW Party-list.
Dito puspusang nangampanya ang 116 AKO-OFW Party-list sa ilang pamilihan sa Cabiao at San Isidro Market, kung saan nakipag-usap at nakipagdaumpalad ang pwersa ng AKO-OFW sa mga nagtitinda sa palengke at ilan pa sa ating mga kababayan na kasalukuyang residente ng lugar.
Bukod dito, namigay rin ang AKO-OFW ng mga sticker at tarpaulin para naman sa mga TODA o grupo ng tricycle driver na kusang tumulong para maglibot din sa naturang lugar.
Ayon kay 1st nominee and AKO-OFW Chairman Dr. Chie Umandap, nagkaroon siya ng pagkakataon upang maipaliwanag ang adbokasiya ng 116 AKO OFW Party-list sa ating mga kababayan, na kalimitang hindi updated sa mga nangyayari sa kanilang lugar dahil na rin sa lubos na pagtatrabaho o ‘di kaya naman ay sa layo na rin ng kanilang mga tirahan.
Matatandaang isa sa isinusulong ng 116 AKO-OFW Party-list ang OFW satellite office sa iba’t ibang panig ng bansa, OFW housing, OFW pension plan, OFW hospital ward, Free Wi-Fi sa bawat barangay, OFW free education at No collateral loan upang hindi na mahirapan pa ang ating mga kababayan na hihingi ng saklolo at tulong para sa pangangailangan ng kanilang kamag-anak na OFW.
