10 SUGATAN SA SALPUKAN NG 3 SASAKYAN SA LAGUNA

LAGUNA – Sampu katao ang nasugatan matapos magsalpukan ang tatlong sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. San Vicente, San Pablo City noong Linggo ng hapon.

Kabilang sa mga nasugatan ang mga drayber at pasahero ng mga sangkot na sasakyan na isang kotseng Mitsubishi Mirage, at isang Toyota Avanza.

Ayon sa ulat ng San Pablo City Police, nangyari ang insidente bandang alas-2:40 ng hapon nang isang Mitsubishi Montero at Mitsubishi Mirage na parehong patungo sa direksyon ng Alaminos, Laguna ang sinalpok ng kasalubong na Toyota Avanza na minamaneho ni Darwin Samonte Realco, 32, na noon ay patungo sa direksyon ng Tiaong, Quezon.

Bigla umanong lumipat sa kabilang linya ang Toyota Avanza at sumalpok sa likurang bahagi Montero.

Dumiretso pa ang Avanza at nakasalpukan ‘head-on’ ang Mirage na minamaneho ni Edwin Endecio Padilla, 41-taong gulang.

Ayon kay Realco, nakikipag usap siya sa kanyang ina tungkol sa diversion road bago ang aksidente kaya nalingat siya sa pagmamaneho.

Kinilala ng tatlong nasugatang pasahero ng Mirage na sina Therese Coo Padilla, 43; Zoe Coo Padilla, 12, at Marnellie Pagulayan Bueno, 28-anyos.

Sugatan din ang limang pasahero ng sumalpok na Avanza na sina Precious Estela Buela Libutan, 6; John Michael Arciaga Marinda, 9; Jane Arciaga Marinda, 20; John Ace Arciaga, 13, at Homburg Dolores Samonte, 57-anyos.

Agad na dinala ang mga nasugatang sakay ng Avanza sa San Pablo City District Hospital para sa medikal na atensyon.

Ang driver at mga pasahero ng Mirage ay inilipat naman sa Calamba Medical Center.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property ang driver ng Avanza. (NILOU DEL CARMEN)

5

Related posts

Leave a Comment