ANGONO MAYOR, MULING NAGPAHAYAG NG SUPORTA SA AKO-OFW PARTYLIST

MULING nagpahayag ng suporta si Angono, Rizal Mayor Jeri Mae Calderon sa AKO-OFW Partylist.

Ito’y kasunod na rin ng paghayag nito na ang 116- AKO-OFW Partylist pa rin ang kanilang iboboto sa darating na May 12, 2025 midterm election.

Ayon kay 1st nominee at AKO-OFW chairman Dr. Chie Umandap, lubos silang nagpapasalamat sa walang sawang pagtitiwala na ibinibigay ng mga taga-Angono simula pa noon.

Binigyang-diin ni Dr. Umandap na hindi nila bibiguin ang mga taga-Angono, Rizal at gagawin ang mga bagay na makatutulong para sa ikauunlad ng naturang lugar.

Pormal ding nakipag-usap si Dr. Umandap kay Mayor Calderon at sinabing makaaasa sila sa AKO-OFW partylist sa kahit ano ring suporta.

Kung maalala, unang sumubok sa pagtakbo sa partylist election ang AKO-OFW Partylist noong 2022 at sumuporta rin sa kampanya si Mayor Calderon para sa pagpapalaganap pa ng adbokasiya ng partido.

11

Related posts

Leave a Comment