APAT katao ang nasawi, kabilang ang isang buntis, habang isa pa ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang residential-commercial area sa Barangay Real, Calamba City, Laguna nitong madaling-araw ng Huwebes.
Ayon kay Calamba City Police chief, PCol. Dennis De Guzman, kabilang sa mga nasawi ang mga residenteng nakatira sa ikalawang palapag ng Redlocks Bakery na pinagmulan ng insidente.
Na-trap umano ang mga biktima sa loob ng gusali habang mabilis na lumalaki ang apoy.
Bandang alas-3 ng madaling-araw nang makatanggap ng ulat ang mga awtoridad hinggil sa sunog na agad nirespondehan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Calamba.
(NILOU DEL CARMEN)
130 