MICP PERSONNEL ISINAILALIM SA PAGSASANAY

MICP.jpg

Bahagi ng paghahanda sa implementasyon ng ASEAN e-CO

(Ni JOEL O. AMONGO)

Sumailalim sa pagsasanay ang mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP)  bilang paghahanda sa implementasyon ng  ASEAN electronic-Certificate of Origin (e-CO).

Kaalinsunod na rin ito  ng inilabas na Customs Memorandum Order 15-2019  ni  Commissioner Rey Leonardo Guerrero  na nagtatakda ng mga alituntunin ukol sa  operational procedures  ukol sa pagpapatupad ng e-CO.

Proyekto ito ng mga kasaping bansa sa Asya  na kung sandaling maipapatupad na ito ay  pinapayagan ang ASEAN countries na magiging mabilis at tama ang  pagkakaloob ng  zero o bawas ng tariff rates sa bansang kasapi nito.

“In line with the vision of securing an economically strong ASEAN, the Association’s Member States grants preferential tariff rates through the association’s Rules of Origin and Operational Certification Procedure of the ASEAN Trade in Goods Agreement (ATIGA),” ayon kay MICP District Collector and Customs Spokesperson Atty. Erastus Sandino B. Austria.

Pinapayagan din ang ASEAN countries na mas mababa at magiging  mabilis na ang pag-isyu ng papel ng Certificate of Origin.

“This can propel our country and the ASEAN community towards the vision of a single prosperous regional block, at par with the world’s leading economic blocks. This is a step towards creating the technical and human infrastructure that allows for the issuance and creation of an electronic-Certificate of Origin or e-CO,” dagdag ni Austria.

125

Related posts

Leave a Comment