(Ni JO CALIM)
PINAGHAHANDAAN na rin ng Bureau of Customs-Davao ang posibleng sakunang tatama sa lungsod.
Ito’y matapos na makiisa na rin sila sa isinagawang Seminar kaugnay sa ‘Mainstreaming Disaster Risk Reduction Management’ na magbibigay ng dagdag na kaalaman ukol sa paghahanda sa sandaling dumating ang sakuna sa kanilang lugar.
Isinagawa ang Davao City’s first full-scale earthquake exercise noong nakaraang Mayo 16, 2019 sa pakikipag-ugnayan na rin sa Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office (DCDRRMO).
Layunin nitong palakasin ang disaster preparedness sa mga Davaoeños at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng response teams maging pribado man o pampublikong sektor.
“The exercise aims to evaluate the preparedness level of the people of Davao City,” ayon sa DCDRRMO.
Layon pa rin ng pagsasanay na magiging matatag ang ugnayan at pagtutulungan ng iba’t ibang response agencies kabilang ang private & public organization at iba pang institusyon sa siyudad partikular ang pagbibigay ng mas maagang babala, paglilipat at maging ang pagbibigay ng pansamantalang titirahan sa maaapektuhan ng sakuna.
Ito na ang pangatlong earthquake drill ng BOC-Davao na isinagawa ngayong taon.
Matatandaan, kamakailan ay tinamaan ang Davao City ng mahinang lindol kung kaya’t sinisikap ng lokal na pamahalaan at maging ng BOC-Davao na maging handa sila pagdating ng malakas na lindol sa lungsod.
