SAKSI NGAYON TEAM, 2 BESES HINULI NG MGA NAKASAKAY SA POLICE CARS NA PAWANG NAKASIBILYAN?

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS

KINOKONDENA natin ang hindi lang isa kundi dalawang beses na pagpalibot ng mga nakasibilyang tao na nakasakay sa police mobile ng Montalban, Rizal sa mga kasama natin na nagko-cover sa May 12, 2025 election sa naturang lugar.

Bandang alas-2 ng madaling, May 12, habang binabagtas ng SAKSI NGAYON TEAM sa pamumuno ng senior writer na si Joel Amongo, ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue, Brgy. San Jose, Montalban ay biglang kinat ang kanilang marked vehicle ng dalawang police mobile na pawang walang plaka, samantala tatlong pang police mobile ang nasa likod nila at maraming motorsiklong nakasibilyan na hindi malaman kung mga kagawad pulisya dahil lahat sila nakasibilyan, na naninita ng media na kumpleto sa ID cards, uniform at may marked vehicle pa.

Pagdating ng dakong alas-9:12 ng umaga habang papunta sila sa Burgos Elem. School sa Brgy. Burgos ay muli na namang kinat ng nasabing ng grupo ang sasakyan ng SAKSI NGAYON TEAM at pilit nang isinama ang grupo ng SAKSI NGAYON papuntang Montalban Police Station sa Mayon St., ng nasabing bayan.

Pagdating nila sa Montalban Police Station ay hinold nila muna ang SAKSI NGAYON TEAM. Makalipas ng ilang sandali ay pinaalis na ni Capt. Mendez ang grupo.

Tinanong ng team leader na si Joel Amongo si Capt. Mendez kung taga-saan ang mga humuli sa kanila at sinabing galing umano ang grupo sa Kapitolyo ng Rizal.

Ang ipinagtataka lang ng grupo ni Amongo ay kung bakit ang nanghuhuli sa kanila na nakasakay sa police mobile ay pawang nakasibilyan at naka-short lang, samantalang ang taga-media ay kumpletong naka-uniporme, naka-ID at nakasakay sa marked vehicle na media service.

Anong mayroon? Bakit pinag-iinitan ng mga nakasibilyang tao na pawang nakasakay sa police mobile, ang media group?

Bakit nakikialam ang mga ito habang ang mga kagawad ng media ay ginagampanan lamang ang kanilang trabaho?

May kandidato ba silang pinoprotektahan kaya nila pilit na pinaalis ang grupo ng media sa Montalban?

Magkano kaya ang ibinigay sa mga ito para mang-harass ng mga taga-media?

‘Pag wala kasi ang pusa ay malayang nakapaglalaro ang daga. Para magawa nila ang kababalaghan habang wala ang pusa (media)?

‘Di na kayo naawa sa mga taga-media na inyong pineperwisyo?

oOo

Para sa inyong katanungan, mag-text o tumawag sa cell# 0917-861-0106.

 

69

Related posts

Leave a Comment