NORTHERN SAMAR – Limang kasapi ng communist New People’s Army ang napaslang ng mga tauhan ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division, Philippine Army, sa nangyaring sagupaan noong Linggo sa bayan ng Catubig sa lalawigan.
Kinilala ang tatlo sa limang napatay na communist terrorist na sina Noel Lebico Sr., ng Roxas, Catubig; Arnel Aquino ng Barangay Osmeña, Palapag; at Nonoy Norcio, ng Luneta, Gamay, Northern Samar.
Kinumpirma ang pagkakakilanlan ng mga napaslang, ng isang alyas “In-In,” vice squad leader ng Squad 1, Sub-Regional Guerrilla Unit, Sub-Regional Committee Arctic, Eastern Visayas Regional Party Committee, na sumuko sa 8ID kamakailan lamang.
Ang labi ng mga napatay ay ibinigay na sa kani-kanilang mga kapamilya para mabigyan ng maayos na libing, kasunod ng pakikipag-ugnayan ng military sa local government units.
Pinapurihan naman ni Major General Adonis Ariel G. Orio, commander, 8ID, ang tulong ng mga lokal na residente sa government forces, na nakatulong sa pagneyutralisa sa nalalabing CNTs, na nagsisilbing pahirap sa komunidad.
(JESSE KABEL RUIZ)
