HINDI maaaring madaliin ang pagresolba sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Sa ambush interview sa DOJ, nilinaw ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kailangang dumaan sa proseso ang bawat kaso.
Kinakailangan din aniya ang matibay na ebidensiya na mag-corroborate sa mga testimonya ng iba pang saksi.
Ang pahayag ng kalihim ay kaugnay sa paglantad ng isa sa mga akusado sa pagkawala ng 34 na sabungero na nagtuturo kung saan inilibing ang mga biktima.
Binanggit ng kalihim na may affidavit na si alyas Totoy, hindi lang niya matiyak kung pinanumpaan na, ngunit pinag-aaralan na rin aniya ng kagawaran na kunin siyang state witness.
Samantala, binanggit ni Secretary Remulla na nag-usap na sila ni PNP Chief Nicolas D. Torre III kaugnay sa gagawing imbestigasyon sa mga isiniwalat ni alyas Totoy.
(JULIET PACOT)
