3-ANYOS PASLIT NATUSTA SA PINAGLARUANG LIGHTER

PATAY ang isang 3-anyos na paslit nang makulong sa nasusunog nilang bahay na nagliyab dahil sa pinaglaruang lighter noong Miyerkoles ng umaga sa Argao, Cebu.

Ayon sa Argao Police Station, naiwan ang bata sa kanilang bahay sa Sitio Sibuyan, Barangay Upper Canjue at naglaro ng lighter hanggang sa nakitang nagliliyab na ang bahay.

“Allegedly naglalaro ng lighter na siyang dahilan ng sunog,” ayon kay Police Capt. Eden Rex Baguio, hepe ng Argao police.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahilan upang makulong ang bata sa loob ng natutupok na bahay.

Hindi na naabutang buhay ng nagrespondeng mga bumbero ang biktima.

Naapula ang sunog makalipas ang halos isang oras.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

(JESSE RUIZ)

68

Related posts

Leave a Comment