Bida Boss: Hybrid Dropshipping Platform na Nagbibigay Oportunidad sa mga Negosyanteng Pilipino

 L-R: Mr. David Huang, FGP Fortune God Philippines Trading Inc.; Mr. Von Basa, Founder & CEO of Bida Boss Incorporated; Jerome Santos, VP Corporate Sales LBC and RD Santos, Chief of Sales Bida Boss Incorporated

Manila, Pilipinas — Opisyal nang inilunsad ang Bida Boss, ang kauna-unahang hybrid dropshipping platform sa Pilipinas, na naglalayong tulungan ang mga Pilipinong negosyante na palaguin ang kanilang online na negosyo nang may layunin at pananampalataya. Itinatag ni Von Basa, nagsimula ang Bida Boss sa B2B na modelo at balak nitong palawakin sa B2C upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nagbebenta sa buong bansa.

Ang paglulunsad ay isang espesyal na pagtitipon na pinaghalo ang negosyo, pagsamba, at mga kwento ng tagumpay. Ibinahagi ni Von Basa, ang CEO ng Bida Boss, ang kanyang personal na kwento kung paano niya nalampasan ang milyong utang, sa tulong ng ilang tapat na empleyado sa pinakamahirap niyang panahon. Ang kanyang paglalakbay mula sa pagsubok patungo sa tagumpay ay sumasalamin sa mga pangunahing halaga ng Bida Boss — katatagan, pananampalataya, at pagkakaisa.

Hindi lamang ito negosyo, kundi isang kilusan na nakabase sa pananampalataya. Binanggit ni Von Basa na si Jesus ang tunay na pinuno ng proyekto na nagbigay inspirasyon sa mga dumalo.. Suportado rin ang proyekto ng mga kilalang partner tulad ng Fortune God Philippines, LBC,Philex na naniniwala sa misyon ng Bida Boss na itaguyod ang mga Pilipinong online sellers.

Narito ang mga benepisyo ng Bida Boss para sa mga online sellers:

– Libreng unang buwan na may access sa ₱100 milyong imbentaryo

– Walang kinakailangang puhunan para makapagsimula

– Abot-kayang buwanang bayad na ₱500 pagkatapos ng unang buwan

– Isang sistema na nagbibigay kapangyarihan sa mga negosyante na control

Mr. Von Basa, Founder & CEO Bida Boss Incorporated kasama ang Bida Boss Mascot

Ang inisyatibong ito ay naglalayong baguhin ang kalakaran ng online selling sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsasama ng praktikal na solusyon sa negosyo at faith na kayang palampasan ang lahat. Inaanyayahan ng Bida Boss ang mga nagnanais magsimula mag negosyo na bumuo ng komunidad na may pagtutulungan at esprituwal na layunin.

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon kung paano maging bahagi ng Bida Boss, mangyaring tumawag sa 09958802733.

 

30

Related posts

Leave a Comment