Laguna Governor Sol Aragones inutos na alisin ang mga poste na naka hambalang sa mga highways sa Laguna

Iniutos ni Laguna Governor Sol Aragones kina Provincial Administrator Jerry pelayo at Los Baños Mayor Neil Nocon, na linisin at alisin ang mga poste ng kuryente na nakausli at nakaharang sa mga kalsada sa kahabaan ng Los Baños upang maibsan ang daloy ng trapiko.

Agad na Iniutos ni Laguna Governor Sol Aragones kina Provincial Administrator Jerry pelayo at Los Baños Mayor Neil Nocon, na linisin at alisin ang mga poste ng kuryente na nakausli at nakaharang sa mga kalsada sa kahabaan ng Los Baños upang maibsan ang daloy ng trapiko, nitong araw ng Biyernes..

Layunin ni Gob Aragones na mabigyan ng pag-asa na maging maaliwalas ang mga kalsadang sa daloy ng trapiko mula sa mga nakausling poste ng kuryente na maaring pag mulan ng aksidente sa mga motorista,..

Katulong naman sina Jettison Tobias, ng Meralco San Pablo-Sta.Cruz Business Center, Lawrence Abueg, pinuno ng Calamba Business Center, Frederick Gomez, pinuno ng Sta.rosa Sector at mga kinatawan mula sa Department of Public Work and Highways.na nag aayos sa mga poste sa kalsada

Nabangit din ni Aragones na kahit na ang pagtanggal ng poste ng kuryente ay hindi ganap na maiibsan ang mabigat na traffic build-up sa kahabaan ng national highway,ngunit kahit papaano ay makakapagpagaan ito ng daloy ng trapiko dahil gagawin nang isang buong lane ang magagamit ng mga motorista kapag naalis na ang mga nakaharang na mga poste.

42

Related posts

Leave a Comment