TOPACIO, ILANG VLOGGERS KINASUHAN SA DOJ

DUMULOG kahapon sa Department of Justice (DOJ) si Senator Risa Hontiveros para kasuhan ang ilang kilalang Duterte Supporter Vloggers at at mga kasama pang indibidwal kaugnay sa kumakalat na video ng dating witness ng Senado.

Si Hontiveros, personal nagtungo kasama ang buong legal team sa DOJ-National Prosecution Service ng kagawaran.

Dito niya idinulog ang kanyang hinaing patungkol sa pagkalat ng video ni Michael Maurillo, dating Senate witness na binawi ang kanyang testimonya ukol sa kaso ni Pastor Apollo Quiboloy.

Isinapormal ni Hontiveros ang paghahain ng kasong cyber-libel laban kina Atty. Ferdinand Topacio, online content creator na si Byron Cristobal (alias Banat By), Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz, Krizette ‘Kiffy’ Chu, Jose ‘Jay’ Sonza at Alex Destor (alias Tio Moreno).

Hiwalay na kaso rin ang isinampa nito kay Michael Maurilio, dating Senate witness hinggil sa pagbaliktad sa kanyang pahayag.

Dagdag pa rito’y ipinaliwanag ni Senadora Risa Hontiveros ang ginawang aksyon ng mga naturang ‘respondents’ sa kaso.

Aniya’y sa tulong din ng National Bureau of Investigation (NBI), kanilang kinokolekta pa ang mga video na kumalat at ipinost online laban at paninira umano sa kanya.

Kaya’t binigyang- diin ng senadora na mayroon silang sapat na katibayan na makapagpapatunay sa kanyang mga akusasyon laban sa mga nabanggit na vloggers at indibidwal.

(JULIET PACOT)

82

Related posts

Leave a Comment