HANDANG humarap ang mga opisyal ng Commission on Elections (Comelec) sa anomang imbestigasyon kaugnay ng nakaraang halalan.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, matagal na nilang sinagot at pinabulaanan ang mga paratang na ibinabato laban sa kanila.
Aniya, ang halalan ay naging maayos, matapat at tahimik at pinatotohanan ng mga grupong tumutok nito tulad ng PPCRV, European Union, ilang embahada, simbahan, paaralan, at iba pang mga organisasyon.
Ayon kay Garcia, ang mga salungat na opinyon ay bahagi ng isang bansang may demokrasya.
Ginawa ni Garcia ang pahayag kasunod ng inaasahang paglapit ng ilang grupo sa NBI para paimbestigahan ang Comelec at ang mga commissioner hinggil sa sinasabing anomalya sa nagdaang national and local elections.
Kinabibilangan ito ng mga tauhan ng simbahan, politiko, dating mga opisyal ng PNP, at iba pang sektor.
(JOCELYN DOMENDEN)
