Nitong mga nakalipas na linggo ay may mga nababasa tayong mga artikulo at balita tungkol sa hinaing ng ating mga lokal na magsasaka kaugnay sa pagbaba ng buying price ng palay sa bansa.
Medyo natabunan ang isyu dahil sa nakapokus tayo sa katatapos lamang na May 13, 2019 midterm elections.
Base sa kanilang mga reklamo, nitong katatapos na anihan, ang presyo ng palay ay binibili na lamang sa kanila ng P14 per kilo ng National Food Authority (NFA), mula sa dating P16 kada kilo noong hindi pa ipinatutupad ang Rice Tariffication Law o R.A. 11203. Ito’y nagpapahintulot sa mga pribadong negosyante na makapag-unli-rice importation mula sa mga kalapit na bansa sa South East Asia basta magbabayad sila ng 35% tariff tax habang 40% naman kung sa labas ng Asia.
Ang pagbagsak ng buying price ay bunsod ng patuloy na pagpasok at pagbaha ng suplay ng im-ported rice sa merkado.
Tiyak na lalo pang iiyak ang ating mga magsasaka, dahil pinabilis o pinaiiklian na ng gobyerno ang pagproseso ng permits sa rice importation sa maximum na 28 araw sa ilalim ng Rice Liberalization Act.
Aabot na lamang ng tatlong linggo hanggang isang buwan, darating na ang aangkatin nilang bigas.
Ito ang kinatatakutan natin lalo na para sa mga ma¬liliit nating mga magsasaka sa mga lugar na wala pa ring irigasyon at umaasa lamang sa ulan para makapagtanim. Paano sila makakabawi sa kanil-ang pinuhunan kung kulang sa suporta mula sa gobyerno at bumabaha ang imported rice na bag-sak pre¬syo? Hindi tulad sa mga kalapit na bansa na pinagkukunan natin ng bigas na talagang sup-portive ang kanilang gobyerno sa kanilang agriculture sector, kaya marami silang produksiyon at tinutulungan pa sila sa pagma-market ng kanilang mga ani.
Para kasing hindi nararamdaman ng gobyerno ang damdamin ng magsasaka, kasi karamihan sa mga inuupong opisyal sa Department of Agriculture at iba pang kaugnay na ahensiya ay hindi na-man talaga tunay na magsasaka. Hindi sila nakaranas na lumublob sa putikan at magpainit sa ilalim ng araw o ulan para magtanim kaya balewala sa kanila ang damdamin ng mga ito.
Lagi nilang iniisip na kapag nagkulang ang produksiyon ay mag-importa lagi sa halip na mag-isip ng programa para matulungan ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang ani, katiyakan na may bibili sa kanilang mga produkto, may sapat na mga post-harvest facilities.
Mas inuuna pa nga ng gobyerno ang pagbuo ng mga alintuntunin sa pagproseso sa rice importa-tion kaysa sa mga alituntunin kung paano matulungan ang mga maapektuhang mga magsasaka sa bansa.
Kasi ilang buwan nang busy ang gobyerno sa pag-aangkat ng bigas pero hanggang ngayon hindi pa rin inilalabas ang P10 bil¬yong pondo para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund na naglalayon na makatulong sa modernization at pagsusulong ng productivity ng mga magsasaka ng palay na maapektuhan sa Rice Libe¬ralization Act. (Point of View / NEOLITA R. DE LEON)
