3 TIRADOR NG SARI-SARI STORE NABINGWIT

ARESTADO ang tatlong lalaki makaraang pasukin ang isang sari-sari store at sinikwat ang deposit box habang malakas ang buhos ng ulan sa Barangay 705, Malate, Manila noong Huwebes ng madaling araw

Sa tulong ng mga barangay tanod ay nadakip ang mga suspek na sina alyas “Jeric”, “Russell” at “Aries”, kapwa 18-anyos, ng naturang lugar.

Base sa ulat ng Malate Police Station 9 ng Manila Police District, bandang alas-2:00 ng madaling araw nang distrungkahin ng mga suspek ang steel window ng isang sari-sari store sa nabanggit na lugar.

Makaraang makuha ang deposit box sa loob ng tindahan na may lamang P10,000, ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Mabilis namang nagresponde ang mga awtoridad at nadakip ang mga suspek at nabawi ang pera ngunit kulang na ito.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Article 293 ng Revised Penal Code (robbery). (RENE CRISOSTOMO)

124

Related posts

Leave a Comment