TAYABAS CITY – Arestado ang isang high-value individual (HVI) makaraang makumpiskahan ng mahigit P3.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa lungsod nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ang naarestong suspek na si Reujen Briones Vivar alyas “Eugene”, 29, isang security guard at residente ng Barangay Isabang sa lungsod.
Ayon sa report ng Tayabas Police, naaresto si Eugene ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Quezon bandang alas-2:02 ng madaling araw at nakumpiska ang anim na plastic sachet na naglalaman ng umano’y shabu na tinatayang 160 gramo ang timbang at may street value na nasa P3,264,000.00.
Nasa kustodiya ng Tayabas City Police Station ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(NILOU DEL CARMEN)
157 