Ang Nagpapagulo sa Pilipinas ay ang Sobrang Pulitika

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS SA halip na pag-unlad ang maging pangunahing usapin ng bansa, tila pulitika na lamang ang sentro ng halos lahat ng diskusyon sa Pilipinas. Mula sa telebisyon, radyo, social media, hanggang sa mga usapan sa kanto, pulitika ang nangingibabaw. Dahil dito, maraming mahahalagang problema ng mamamayan ang natatabunan at hindi nabibigyan ng sapat na pansin. Ang tunay na layunin ng pulitika ay upang magsilbi sa taumbayan at maglatag ng mga polisiyang magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino. Ngunit kapag ang pulitika ay nauuwi sa personal…

Read More

Blue Ribbon Hearing ni Erwin Tulfo Umani ng Batikos mula sa mga Pilipino?

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGING sentro ng usapan-usapan ngayon ng mga Pilipino ang isinagawang Blue Ribbon Committee hearing na pinamunuan ni Senador Erwin Tulfo. Inaasahan ng marami na ito ay magiging mahalagang pagkakataon upang mailahad ng mga dating sundalo ang kanilang mga alegasyon, subalit mas ginusto nila marahil na hindi dumalo sa pagdinig dahil ang kanilang inaakusahang hinatiran ng 8 maleta at idinadawit sa human trafficking ang siya pa mismong chairman ng komite. Kapansin-pansin din na hindi dumalo sa naturang pagdinig ang grupo ng 18 dating sundalo na unang…

Read More

SA GITNA NG GULO SA SENADO, CHIZ INUNA TRABAHO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA panahon ng matitinding hidwaan sa pulitika, madalas na nasasapawan ng personal na interes at kampihan kung ano ang makabubuti sa institusyon. Ito ang usaping dapat pagtuunan ng pansin sa naging desisyon ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero na dumalo sa plenaryo sa gitna ng tensiyon at kaguluhan sa Senado. Sa halip na tingnan ito bilang pagkampi sa isang panig o pagtalikod sa isa pa, mas mahalagang suriin kung ano ang ipinakikita nito tungkol sa pananagutan sa isang demokratikong institusyon. Napakadaling magpasya batay sa pulitikal na kalkulasyon.…

Read More

BDO, MAHIYA NAMAN KAYO

Syanong Detektib ni Lucio S. Papa HABANG abala ang gobyerno sa usapin ng katiwalian sa gobyerno, may isang bangko ang nagpapahirap sa mga Pilipino. Dangan naman kasi, daig pa ng naturang bangko ang mga online lending apps sa ipinapataw na tubo sa credit card na sa kanila nanggaling mismo. Kwento ng isang ginang na dumulog sa aming tanggapan, buwanan naman siyang nagbabayad ng hindi bababa sa P12,000 para sa P200,000 accumulated purchases niya gamit ang BDO credit card sa nakalipas na dalawang taon. Laking gulat ng ginang na hindi nababawasan…

Read More

’18 BAGMEN’ MULING KAKASUHAN NI TRILLANES

SASAMPAHAN ng panibagong kaso si dating senador Antonio Trillanes IV ang 18 bodyguards ni dating kongresista Zaldy Co. Inihayag ito ni Trillanes matapos siyang dumalo sa preliminary investigation kaugnay ng alegasyon ng 18 dating sundalo, na nag-akusa sa kanya ng umano’y pagtanggap ng pera mula kay dating Ako Bicol party-list representative Co upang suhulan ang mga imbestigador ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay Trillanes, may kaugnayan ang bagong reklamong kanyang ihahain sa naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Hunyo 4 tungkol sa mga flood control project. “Magpa-file…

Read More

BALIGOD AMINADONG MAY SABLAY SA AFFIDAVIT NG 18 ‘BAGMEN’

INAMIN ni Atty. Levito Baligod na may pagkakamali sa affidavit ng 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co, ngunit nanindigan siyang walang pagbabago sa listahan ng mga opisyal na umano’y tumanggap ng porsiyento mula sa flood control projects. Ito ang pahayag ng abogado nang harapin niya ang mga mamamahayag sa Department of Justice kasama ang mga dating sundalo. “Maniwala kayo, napakaraming information na pumapasok. Napakaraming videos. Napakaraming pictures, at inentrust nila lahat sa akin. Mag-isa lang ako,” paliwanag ni Baligod. Ayon sa kanya, sinadya nilang ilabas muna ang sapat…

Read More

AUDIT FIRM SINURI NG DOJ SA VILLAR LAND CASE

NAGING mabusisi ang pagtatanong ng Department of Justice (DOJ) Panel of Prosecutors sa audit firm na Punongbayan & Araullo (P&A) kaugnay ng naging pag-aaral nito sa halaga ng ilang ari-arian ng Villar Group. Layunin ng DOJ na malinawan ang reklamong inihain ng Securities and Exchange Commission (SEC) laban sa Villar Land Holdings. Nanindigan ang audit firm na wala silang pahintulot sa paglalabas ng ulat na nagsasabing umaabot sa P1.3 trilyon ang halaga ng lupain ng Villar Land. Kinumpirma rin ng P&A na hindi sa kanila nagmula ang naturang valuation at…

Read More

MAGSASAKANG REPORTER GINAWARAN NG LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD

GINAWARAN ng Lifetime Achievement award for innovation and advocacy in sustainable Agriculture and Urban Gardening ang Magsasakang Reporter. Si GADMER “MER” LAYSON ay Reporter at Kolumnista ng Pilipino Star Ngayon (PSN) Television Host ng Masaganang Buhay sa OnePH ng TV5, Agri-Entrepreneur at Urban Farming Advocate. Ayon kay Amb. Doc. Maria Liza Lorenzo, President at CEO ng Dangal ng Lahing Pilipino Star Award 2026, natatangi ang kontribusyon ni Layson sa pagpapalaganap ng makabagong agrikultura, urban gardening at sustainable farming practices sa bansa. Sinabi ni Amb. Doc. Lorenzo, ginamit ni Layson ang…

Read More

Patutsada sa dating bodyguards ni Zaldy Co ’18 BASURERO’ MAS BAGAY KAYSA EX-MARINES — CASTRO

MAS pipiliin umano ni Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro na tawaging “18 basurero” ang 18 bodyguard ni dating Cong. Zaldy Co kaysa iugnay ang mga ito sa Philippine Marines. Ito ay matapos manawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na itigil na ang pagtawag sa grupo bilang mga ex-Marines kasunod ng paglutang ng kanilang mga testimonya sa pagdinig ng Senado kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon kay Castro, wala na sa aktibong serbisyo ang mga ito nang maging bodyguard ni Co kaya hindi…

Read More