PNP NAGDAGDAG NG 911 OPERATORS

INIHAYAG ni PNP chief, Gen. Nicolas Torre III na nagdagdag sila ng sampung operators sa 911 emergency hotline.

Sinabi ni Torre, napipilahan ng mga tawag ang 911 dahilan upang minsan ay tumatagal bago masagot ang linya.

Hangad ng hepe ng Pambansang Pulisya na masagot kaagad ng nakatalagang operators ang tawag sa loob ng tatlo hanggang limang pag-ring.

Nilinaw naman ng PNP chief ang ilang kritisismo kaugnay sa umano’y umaabot ng 10 rings bago tuluyang masagot ang tawag sa hotline.

Aniya, ang 10 rings ay katumbas ng 30 segundo dahil bawat ring ay tatlong segundo ang itinatagal.

Umaasa ang PNP na sa dagdag na mga tauhan ay mas mapabibilis pa ang pagtugon ng 911 operators sa mga tawag ng publiko para sa agarang tulong at aksyon. (TOTO NABAJA)

62

Related posts

Leave a Comment