PINANGUNAHAN ni District Collector Alexander Gerard E. Alviar ang pagdaraos ng Division Heads Meeting ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Manila (POM).
Dumalo sa pulong ang mga hepe ng Port Division, Support Offices, at Subport Collectors.
Sa nasabing pulong ay kinilala ni Alviar ang pagsisikap ng POM team para sa kanilang outstanding collection performance sa nagdaang mga buwan.
Ayon kay Alviar, dahil sa dedikasyon at pagsisikap ng mga opisyal ay nahigitan ng Port of Manila ang kanilang revenue targets.
Sa nasabing pulong tinalakay ang mga update sa collection performance, port operations, at iba pang vital administrative at operational concerns.
Ipinarating din ni Alviar sa mga opisyal ang mga bilin ni BOC Commissioner Ariel F. Nepomuceno patungkol sa kahalagahan ng good governance, mas pagpapabuti sa operational efficiency, mas maayos na enforcement, at pagpapalakas sa stakeholder engagement.
Tiniyak naman ng Port of Manila ang pagtalima sa strategic direction ng ahensya at pagpapanatili ng mataas na standards ng public service.
