PAHAYAG UKOL SHOOTING INCIDENT SA DASMARIÑAS, CAVITE

Mariin naming kinokondena ang naganap na insidente ng umano’y road rage sa Salitran, Dasmariñas, Cavite na nagresulta sa pagkasawi ng isang empleyado ng Meralco.

Lubos kaming nakikiramay sa pamilya at mahal sa buhay ng aming kasamahan na nagserbisyo sa Meralco sa loob ng 21 taon. Kasalukuyan na rin kaming nakikipag-ugnayan para ibigay ang mga kinakailangang tulong at suporta sa kanyang pamilya sa gitna ng trahedyang ito.

Kasalukuyan ring nagsasagawa ng manhunt ang kapulisan sa natukoy na suspect na bumaril sa aming empleyado. Bagama’t tinitingnan pa ang lahat ng posibleng anggulo sa insidente, maaaring dahil ito sa road rage base sa inisiyal na imbestigasyon ng PNP at SOCO.

Nakikiisa at sumusuporta ang Meralco sa mga awtoridad para agad na mahuli at mapanagot ang salarin. Nananawagan rin kami sa publiko ng pag-unawa at mahigpit na kooperasyon sa mga imbestigador upang agarang makamit ang katarungan para sa aming kasamahan.

118

Related posts

Leave a Comment