TRASLACION 2026 IKINAKASA NA

NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Quiapo church para sa Traslacion 2026.

Ito ay makaraang magpulong hinggil dito sa pangunguna ni Rev. Fr. Jade Licuanan kasama si DTCAM Officer-in-Charge Cristal Bagatsing, upang talakayin ang mga paghahanda para sa Traslacion 2026.

Upang masiguro ang kaligtasan, kaayusan at maayos na daloy ng prusisyon ng imahe ng Jesus Nazareno, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang buong suporta ng pamahalaang lungsod.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maagang koordinasyon at pagtutulungan ng simbahan, pamahalaan, at mga deboto upang maging matagumpay at mapanatili ang kabanalan ng isa sa pinakamalaking gawaing pangsimbahan sa bansa.

Ang Traslacion ay taon-taong dinarayo ng milyong-milyong deboto mula sa iba’t ibang lugar dahil sa malalim nilang pananampalataya sa Itim na Jesus Nazareno.

(JOCELYN DOMENDEN)

220

Related posts

Leave a Comment