BAHAY NATABUNAN SA LANDSLIDE; 1 PATAY, 1 MISSING

QUEZON – Isa ang kumpirmadong nasawi habang isa pa ang pinaghahanap ng search and rescue team matapos matabunan ng lupa ang isang bahay sa gilid ng bundok sa Sitio Aluhing Maliit, Brgy. San Lorenzo sa bayan ng Mauban, sa kasagsagan ng pag-ulan noong Linggo ng gabi.

Ayon sa report ng Mauban Police, nangyari ang insidente bandang alas-8:50 ng gabi kasabay ng malakas na pag-ulan dala ng Low Pressure Area (LPA).

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon, lima ang naitalang biktima sa insidente.

Sa kasamaang palad, na-trap sa loob ng kanilang bahay ang dalawa samantalang masuwerteng nakatakbo at nakalabas ng bahay ang tatlo pa nilang kasama.

Ang tatlo ay agad dinala sa Mauban District Hospital para sa medical check-up.

Agad na nagresponde ang mga tauhan Mauban Police, Mauban BFP, Mauban MDRRMO, Philippine Air Force, at iba pang volunteer rescue team upang magsagawa ng joint rescue and retrieval operation sa lugar.

(NILOU DEL CARMEN)

170

Related posts

Leave a Comment